Sarap Maging Pilipino

Tomorrow is the 116th Independence day of the Philippines & for this post, we decided to blog in our own language–Filipino. 🙂

———-

Wag magugulat, ngayong araw, naisipan naming magsulat gamit ang wikang Filipino.   (Minsan lang ‘to diba?) Bukas ay ang ika-116 nang araw ng ating Kalayaan! (Salamat sa aking mga guro, hindi na ata maalis ang mga makasaysayang mga petsang ito sa utak ko:

ika-12 ng Hunyo, 1898
ika-19 ng Hunyo, 1861 (Kaarawan ko…ay..ni Jose Rizal pala!)
ika-16 ng Marso, 1521 (Ang araw ng pagdating ng mga Kastila sa Cebu)

Sa totoo lang, napakadaling magreklamo ukol sa Pilipinas at mga Pilipino sa pang-araw-araw: ang trapiko, mahabang pila sa MRT, ang walang mga katapusang isyu ng gobyerno at iba pang nakakalokang mga balita!?!?!!? *Ahhhhhhhh!!?!?!?!…..*

Ngunit gayunpaman (salamat din sa mga guro ko sa Filipino hindi na din maalis sa utak ko ang mga salitang “ngunit” “subalit” “datapwat” at “kung gayon”), marami din tayong mga bagay-bagay na dapat pasalamatan bilang mga Pilipino.   Napakadaling kalimutan ang mga dahilang ito.  Bukod sa mga gusto ko talagang isulat at iguhit dahil hindi maalis ang pagkain sa isip ko: mangga, bangus na binalot sa dahon ng saging, puto, Chicken Joy, bibingka, at longganisa (Pwede yung Jollibee Breakfast? 🙂 Pwede din yung galing sa Vigan & Nueva Ecija? Masarap din yung mula sa Tuguegarao! Hehe.), andito din ang:Sarap Maging Pilipino

1. Palagi tayong handang magbigay at tumulong sa kapwa lalo na sa mga nasalanta ng mga kalamidad.

2. Napakainit ng pagtanggap natin sa ating mga bisita at handa tayong magbigay ng ngiti sa ating kapwa.

3. Tila kamag-anak din natin lahat! (Tingnan nalang ang napakahabang listahan ng mga imbitado sa kasalan at binyagan.) 😉

4. Ang bawat isang lalawigan din ay may fiesta at kung wala mang fiesta ay (pwede na ding mag-seista?) palagi tayong gumagawa tayo ng paraan para magsalu-salo kung para lang ba magkita-kita, magtawanan, magkwentuhan at magkantahan.

5. Masarap maglakbay sa Pilipinas!  Napakaraming mapupuntahang magagandang tanawin na maaari nating ipagmalaki sa buong mundo! 🙂

Ngayon, ikaw, masasabi mo bang, ” Sarap maging Pilipino “? 🙂
Para mas madali kayong sumagot, panoorin natin ito.  Isang panayam sa ilang mga Pilipino.  *Sa totoo lang, gusto ko umiyak kagabi nung una ko itong napanood dahil ang hilig ko magreklamo ukol sa kung anu-ano at heto sila, niyayakap ang isang bagay ng pilit kong itinatakwil.* #AngDramaKoLangTalagaMagTagalog

Salamat sa Jollibee sa paggawa ng  dokumentaryo na ito upang paalalahanan ang mga tao kung bakit masarap maging Pilipino. 🙂

Maligayang ika-116 na Araw ng Kalayaan!

Inaanyayahan naming kayong i-Tweet at i-Instagram ang mga dahilan kung bakit sa tingin niyo masarap maging Pilipino.  Wag ding kalimutang gamitin ang #SarapMagingPilipino 🙂  Mas mainam din kung magagawa ninyo ito gamit ang wikang Filipino.

Mas masaya diba? 😉

Nagpapasalamat,

Tipsy♥

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top